CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Wednesday, 8 October 2008

Balangiga: Pagkatapos ng 107 na Taon


Balangiga, Eastern Samar- isang lugar sa Silangang Samar na di man lamang kapansin pansin. Kung ang Silangang Samar nga ay din na kapansin pansin, ano pa kaya ang isang maliit na bayang ito na para na lamang isang tuldok kung ating titingnan sa mapa ng mundo. Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan, ang maliit na bayang ito ay napakahalaga para sa ating mga Pilipino. Para itong isang mumunting bulaklak na di kapansin pansin ngunit kung ating susuriin ay may mahalaga palang papel, isang papel na kung saan mas mahalaga pa pala sa mga malalking mga bulaklak na madaling mamukadkad ngunit madali ring malanta. Oo nga’t ang Balangiga ay di man lamang maikukumpara sa Cebu na napakalaki at napakaunlad, ngunit sa munting bayang ito ay minsan palang nanaig ang katapangan at katatagan ng ating mga katutubong ninuno.
Tama, ang ating mga ninuno mula sa mumunting bayang ito ay nagkaroon ng lakas ng loob upang panindigan at ipaglaban ang ating bayan, ang kanilang minamahal na bayan. Ayon sa libro ni Agoncillo, sa bayan ng Balangiga dumanak ang dugo ng mga katutubong Waraynon, di lamang sa libro ni Agoncillo kundi sa halos lahat ng mga babasahing pangkasaysayan. Ayon sa mga kuwento, nagplano ang mga “rebeldeng” mga Pilipino na sugurin ang mga Amerikanong mananakop sa mga panahong hindi sila handa. Isang umaga habang kumakain ng almusal ang mga tropang Kano, sumugod ang ating mga katutubong Waray sa kuta ng mga Kanong ito at gamit ang kanilang mga bolo ay pinagtataga nila ang kada isang sundalong Kano na kanilang malalapitan. Ngunit di nagtagumpay ang ating mga dakilang mga ninuno na tinuturing na mga rebelde ng pamahalaan na tinayo ng mga Amerikanong mananakop, sapagkat ano nga ba ang laban ng mga bolong gamit nila sa mga baril at mga makabagong armas na ginagamit ng mga Kanong ito. Isang daan at walumpu ang mga Pilipinong nangamatay at ang karamihan sa kanila ay namatay ng ganun ganun na lamang, kumbaga nga ay, “Isang Bala ka lang”, ganun ang paraan ng kanilang pagkamatay. Ngunit ang mga nagtangkang tumakas na mga sundalong Kano ay tinaga ng mga katutubong Waray gamit ang kanilang mga bolo hanggang sa halos hindi na makilala ang mga sundalong Kanong ito.
Pagkatapos ng madugo at hindi maka- taong labanan sa pagitan ng mga katutubong Waraynon at sundalong Kano, agad na ipinautos ni Theodore Roosevelt, ang pangulo ng Estados Unidos ng mga panahong iyon, na sakupin ang buong Samar upang hindi na maulit ang ganoong mga pangyayari. At ito ang naging dahilan upang ang Balangiga ay parang isang lugar na tinambakan ng mga lantang damo upang sunugin. Hindi ba’t napakahayop ng mga Amerikanong ito upang sunugin ng basta basta na lamang ang ating mga katutubo na parang mga basura? Si Heneral Jacob Smith ang nag utos upang patayin at sunugin ang bayan ng Balangiga. Patayin ang sinumang hahawak ng kahit anong klase ng armas, kahit ang isang batang nasa sampung taong gulang pa lamang. Ganitong klase ban g mga tao ang ating kailangang idolohin at tingalain? Kahiya- hiya, ito lamang ang aking masasabi sa mga taong tinitingala ang mga taong trumato sa ating mga katutubong ninuno na parang mga hayop, di nga lamang parang mga hayop kundi bilang mga walang buhay na mga nilalang.
Kung ang mga Espanyol ay mga hayop at lapastangan, hindi ko na mahanap ang tamang mga salita upang ilarawan kung gaano kawalang hiya ang mga Amerikanong nanakop sa ating bansa. Mas magaling lamang magtago ng pagkakamali ang mga Kanong ito kesa sa mga Espanyol at mga Hapones na nanakop rin sa ating bansa. Hindi ko lubos maisip na pinangarap kong mapunta sa Estados Unidos at manirahan doon. Bago pa man ako nagkaroon ng ganito kalalim na kaalaman sa ating kasaysayan, inaamin kong pinangarap ko nga talagang mamuhay ng masagana sa bansang iyon. Ngunit ngayong nalaman ko na kung ano ang naging karanasan ng ating mga ninuno, ikinahiya ko rin ang ganitong pangarap. Isipin niyo na lamang, mapupunta ka sa isang lugar na minsan ng tinuring ang iyong lahi bilang napakababang uri. Hindi ko maipaliwanag kung ano itong aking saloobin ng malaman ko anfg walang awang pagpatay ng mga Kanong mananakop sa ating mga ninuno.
Kung ang aking pagbabasehan ay ang pangyayari sa Balangiga, siguro’y hindi ko na kinakailangang pahabain pa ang aking paliwanag kung gaano ako namumuhi’t nasusuklam sa mga Amerikanong ito. Oo, kinamumuhian at kinasusuklaman ko ang kanilang lahi. Marahil ay hindi lamang ako ang nag- iisang nakakramdam ng ganito katinding pagkasuklam at pagkamuhi sa lahing Amerikano, alam ko na marami pa sa ating mga kababayan na may sapat na kaalaman ang may ganitong saloobin para sa mga Amerikano. Anong karapatn nilang kitilin ang mga buhay ng ating mga ninunong nagging tapat sa baying kanilang sinilangan? Ani nga ba? Ano ba rin ang karapatan nilang kitilin ang buhay ng isang musmos na batang may gulang na sampung taon lamang? Hindi ba pa sapat na dahilan ito upang maipagtanggol ko ang aking sarili sa pagkakaroon ng ganitong sloobin para sa kanila? Ikaw mismo, bilang isang Pilipino ang humusga sa akin na isang simpleng mag- aaral ng kasaysayan at nagkaroon ng malalim na kaalaman ukol sa ganitong usapin.
Itinago ng mga Kano na nakabase sa ating bansa noong mga panahong iyon sa kanilang mga kababayan ang kanilang mga ginawang mga kahayupan sa ating mga ninuno. Hindi nila isiniwalat kung ano ang totoong pangyayari sa loob ng Pilipinas. Ipinalabas pa nila na ang ating mga ninuno ay ang mganagtangkang manira’t mang gulo sa pamahalaang kaning itinayo. Sa palagay ba ninyo, paano ba magagawang mang gulo ng mga katutubong Pilipino sa kanilang sariling bayan? Ikaw, sa kasalukuyang sitwasyon, pang gugulo ba ang ipaglaban ang iyong karapatan bilang isang mamamayan ng bansang ito? Kung kaya’t ang tingin ng mga tao sa Estados Unidos sa atin ay mga taong primitibo, mga taong hindi pa man lamang nagkaroon ng kaalaman kung ano ang sibilisasyon. Lahat sila ay ganito ang iniisip sa atin, lahat, at bawat isang Amerikano. At kumbaga sa Ingles, “It runs on the blood”. Kahit sino pa man na Amerikano ang aking makaharap, hindi na mawawaglit kahit isang saglit sa aking isipan kung ano ang dinanas ng ating mga ninuno sa mga hayop na mga kanong ito. Pare- parehas lamang sila, mga walang puso’t ang kanilang mga kaluluwa’y sinusunog na sa impyerno. Hindi man sila ang mga taong may gawa nito sa ating mga ninuno, ang katotohanan na sila ang isa sa naging dahilan kung bakit tayo naging ganito ka miserable, siguro ay sapat na nga talagang rason ang pangyayari sa makasaysayang Balangiga upang ako’y makaramdam ng ganitong klase ng pagkamuhi’t pagkasuklam para sa lahi ng mga Amerikano.
Isang mumunting bayan na nagpasiklab ng aking damdamin para sa mga Amerikano- ang bayan ng Balangiga. Ang bayang may maliit na daungan na dating matiwasay, isang daan at pito na ang nakakalipas, ay ngayo’y isang bayan na naka tatak sa aking puso na bayan na nagging dahilan ng aking matinding pagkasuklam at pagkamuhi sa buong lahi ng mga Amerikano.
Gawa ni:
Ngalimtanon