CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Sunday, September 14, 2008

Ang Pilipinas: Noon at Ngayon. Mayroon nga bang Pagbabago?

Reporma, ito ang agarang aksyon na kinakaikalangan ng ating bayan sa ngayon. Kung hindi magkakaroon ng agarang reporma ukol sa mga kasalukuyang mga kaganapan sa ating bayan, patuloy na malulugmok ang ating bansa sa krisis at kahirapan. Bilang mga mag- aaral ng prestihiyosong Unibersidad ng Pilipinas, isang malaking hakbang ang mga ganitong mga panulat upang mamulat ang ating mga kababayan sa kung ano sa dapat ang kinakailangang aksyon at kung alin ang kinakailangang aksyunan. Bilang mga mamamayan ng bansang ito, responsabilidad naming ipakalap ang mga nalilikom na mga datos ukol sa mga kaganapan sa ngayon para sa kaalaman ng lahat.
Noong panahon ng Espanyol, may mga tao ring naging responsable't ninais ang reporma sa ating bayan. Isa na rito ang ating kinikilalang Pambansang Bayani, si Gat Jose Rizal. Gamit ang kanyang papel at panulat, ipinahiwatig niya ang nais na mangyari ng ilan sa ating mga kababayan. Isa siya sa mga naniwalang pakikinggan sila ng mga tampalasang mga Espanyol na ito sa mismong kanilang bansa.
Si Gat Jose Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Kalamba, Laguna, anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo. Sa kanyang murang edad ay namulat na siya sa karahasang nangyayari sa ating bansa noong kanyang panahon. Maging ang kanyang sariling ina'y naging biktima ng kawalang hustisya't nakulong pa. Naging malaki ang epekto niyon sa batang Rizal at ito nga ay isa sa naging sanhi ng kanyang nais na ipaglaban ang kanyang kinamulatang bayan. Noong siya ay labinwalong taong gulang ay nanalo ang kanyang panulat na A La Juventud Filipina. At sumunod naman ay ang El Consejo de los Dioses, na nakapasok bilang isa sa pinakamagagaling na gawa ngunit hindi nakamit ang karampatang premyo dahil lamang sa simpleng rason na ito'y gawa ng isang Pilipino. Noong kolehiyo nga ay nag- aral siya sa Unibersidad ng Sto. Tomas at ng siya'y dalawampu't isang taong gulang, lumipad siya patingong Espanya't doo'y nag- aral ng medisina.
Dahil sa likas na mabuti ang kalooban ni Rizal at hindi niya nais na idaan sa dahas ang paghingi ng reporma, idinaan niya sa paggawa ng mga nobeta't mga pang- literaturang mga panulat ang kanyang mga nais ipahiwatig sa mga opisyal ng Espanya. Isa na rito ang kanyang tanyag
na Noli Me Tangere na ang ibig sabihi'y "Touch me not". Ito'y isang nobela na hango sa sariling mga karanasan ni Rizal. Subalit marami pa rin ang nag- akalang ito'y piksyunal at hindi makatotohanan. Ngunit ayon nga sa sulat ni Rizal sa isang magaling na pintor na si Felix Resureccion Hidalgo na ang kabuuan ng nobelang ito'y hango sa Bibliya sa libro ni San Juan na sinasabing "Wag mo akong hawakan". Ang librong ito ay kinapapalooban ng mga bagay na kahit sino pa man ay walang lakas ng loob na gawin. Sa librong ito'y ipinahayag niya kung gaano kawalang hiya't kawalang respeto ang mga prayle't pari sa mga kababaihan at pati ang kanilang moralidad ay kanilang tinapakan. Ginagamit din nila ang salita ng Diyos upang makalikom ng pera para sa kanilang mga bisyo't pa nsariling interes. At isa nga ito sa kanyang mga nais na mareporma.


At kalauna'y nagawa nya rin ang nobelang El Filibusterismo. Ang nobelang ito nama'y kinapapalooban ng mga pampulitikal na usapin di tulad ng kanyang naunang nobelang Noli. Nasabi niya sa paring si Padre Florentino na hindi niya gustong sabihing ang paggamit ng dahas ang magiging dahilan ng ating kalayaan dahil ito'y may maliit lamang na parteng ginagampanan sa modernong mga usapin subalit kinakailangan din nating maging karapat- dapat para sa kalayaan ito. Kailangan natin ng sapat na kaalaman at dignidad upang tayong lahat ay maging karapart dapat sa kalayaang ating ipinaglalaban at handang ibuwis ang ating buhay para sa bayang kinalakhan at kinabibilangan. At kapag naabot nga ng mga tao ang ganitong klase ng paniniwala, mismong ang Dakilang Lumikha na ang sisira sa mga maling paniniwala at mga idolo at ang kalayaang inaasam ay atin ngang makakamtan.
Naging malaki ang epekto si Rizal at ang kanyang mga gawa para sa mga mamamayang Pilipino noong mga panahong iyon. At para sa aming grupo, may mga bagay nga naman kaming sinang- ayunan sa mga ninais na reporma't pamamaraan. Tulad na lamang ng paggamit ng salita at hindi ng dahas. Marahil nga'y sa isip ni rizal na hindi kailanman madaan ang lahat sa marahas na pamamaraan, ngunit kung titingnan natin na likas na sa ating mga katutubong Pilipino na gumamit ng ganitong pamamaraan kung hinsi na madala dala sa simpleng pakiusap at pakikipagtalastasan. At sa kaso nga ng mga tampalasang mga Espanyo na mananakop, talagang hindi na sila madadala sa simpleng pakiusap. Kailangan na ring tumayo ng mga Pilipino para ipaglaban ang dapat na kanila at ang mga pang aabuso sa kanila sa mga panahong iyon. Isa pa nga sa nais mareporma ni Rizal aya ng mga gawi ng mga prayle't pari na namamalagi dito sa ating bansa. Ang kawalang hiyaan at pagpababa ng moralidad ng karamihan sa ating mga Pilipina noon ay aming sinasang- ayunan. Paano nga naman magiging mga sugo ng Dakilang Lumikha ang ganitong klase ng mga tao na walang ibang ginawa kundi ang gamitin ang mismong salita ng Diyos upang makalikom ng pera para magamit sa kanilang mga bisyo't di man lamang napupunta sa kanilang sinasabing simbahan. Niloloko nila't nililinlang ang mga mamamayang Pilipino gamit ang salita ng Diyos para lamang mapunan ang kanilang sariling interes na hindi naman dapat na ugali ng isang alagad ng Diyos. Kinokondena namin ang ganitong mga gawi ng mga taong ito na ipinapakilala nila ang kanilang mga sariling mga alagad ng Diyos ngunit salungat naman ang kanilang mga tinuturo.
HIndi naman talagang kontra si Rizal sa rebolusyon. Ngunit ayon sa kanyang mga nakikita, hindi pa handa ang ating bansa sa isang malaking pag- aalsa tulad ng rebolusyon. Ano nga ba namang magagawa ng mga bolo sa mga baril na armas ng mga Espanyol. Para kay Rizal ay hindi sapat ang ating lakas at kaalaman sa makabagong mga sandata ng mga kalaban. Kaya nga mas ninais pa siguro ni Rizal na kilalanin na lamang ng Espanya ang Pilipinas bilang isang probinsya upangmatamasa ang kalayaan na tinatamasa ng mga Espanyol na naninirahan sa ating bansa at magkaroon ng kinatawan sa Consejo upang maging boses ng buong PIlipinas.
Ukol naman sa usaping ito, hindi kami sang- ayon sa layon ni Rizal na maging isang probinsya lamang ng bansang Espanya sapagkat ng nakarating ang mga Espanyol dito sa ating bansa ay may sarili na tayong pamamaraan ng pamumuhay at ito'y kanilang binago't inalis sa kanilang pananakop at pamamahala ng lupang kailanma'y di naging kanila at sapilitan lamang nilang binuklod ang ating bansa sa kanilang bansa sa pamamagitan ng pagsakop. Isa pa'y bakit kailangan pa nating maging simpleng probinya't kaparte pa ng mga tampalasang ito kung maaari rin lamang namang maging isang bansa na di kailangan ng superbisyon galing sa mga dayuhang tulad nila at kung matatamasa rin naman ang kalayaan kanilang sinsabi kung tayo'y hindi na bubuklod sa kanila.
Ngunit ang ideya ng La Liga Filipina ay isinasantabi ang ilan sa mga inaasam na reporma ng mga kaisa ni Gat Jose Rizal. Ang mithiin ng Liga ay: 1) ang pagkakaisa ng ating bansa, 2) parehas na pangangalaga at pagprotekta sa lahat ng oras, 3) depensa laban sa kawalang hustisya, 4) ang pag papahalaga sa edukayon, agrikultura at komersyo, at 5) ang pag- aaral at pagsasabuhay ng mga reporma. Kung ito ang ating pagbabasehan ay talagang sang ayon ang aming grupo dito. Hindi maitatanggi na kailangan pa rin ng isang makabagong La Liga Filipina ang Pilipinas.
Sa kabilang banda, heto si Andres Bonifacio, isang taong nais ding ipaglaban ang kanyang Inang Bayan na kahit hindi sapat ang kanyang pinag- aralan, hindi ito naging hadlang upang pamunuan ang grupo ng mga mamamayang Pilipino na naglalayon din na ipaglaban ang kanilang Inang Bayan. Tulad ni Rizal ay isa rin siyang dakilang tao na naging handa na ibuwis ang kanyang sariling buhay para sa kapakanan ng kanyang Inang Bayan, isang tao na hindi na inisip kung ano pa man ang magiging kapalit kung para naman sa kanyang bayang minamahal.
Si Andres Bonifacio ang siyang nagtatag at nagpasimula ng Katipunan, ipinanganak sa Tondo, Maynila nooong Nobyembre 30, 1863. Ang kaniyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. May kalakihan ang kaniyang kinalakhang pamilya. Mayroon siyang tatlong kapatid na lalaki at dalawang kapatid na babae: sina Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadio at Maxima. Sa kanyang kabataan ay nakaranas din diyang makapag- aral sa tulong ng isang Guillermo OsmeƱa ng Cebu. Ngunit sa kasamaang palad, ang batang Andres ay maaga ding naulila na siyang naging dahilan ng kanyang pagtigil sa pag- aaral. Kinailangan niyang magtrabaho upang mabuhay ang kanyang pamilya. Sa likas niyang talento'y nakagawa nga siya ng mga pamaypay at canes na likha sa papel de hapon na naging pangunahing pinagkukunan nga ng kanilang pang araw- araw na pangangailangan. Sa kabing banda, hindi pa ri
n naalis kay Andres Bonifacio ang hilig sa mga libro kung kaya't sa kanyang mga libreng oras ay nagbabasa siya ng libro. Hindi niya pinalampas ang mga panulat ni Rizal, nakapagbasa rin siya ng mga tanyag na mga nobela noong kanyang panahon at kung inaakala ng lahat na salat siya sa kaalaman, isang malaking pagkakamali ito. Si Ginoong Bonifacio ay nakakapagsalita ng wikang Kastila kahit na hindi siya nakapasok sa paaralan tulad ng mga dakilang sina Jose Rizal o Graciano Lopez Jaena o di kaya naman si Marcelo H. del Pilar. Dahil sa kakulangan ng kanyang kinikita upang matustusan ang kanilang pangangailangan, kinaliangan niyang mamasukan bilang isang mensahero. Ngunit kinakitaan siya ng kanyang mga amo ng pagkamatapat at pagiging masigasig sa kanyang trabaho, naging ahente siya ng kumpanyang kanyang pinapasukan. Subalit sa kasamaang palad, hindi pa rin kinaya ng kanyang kita sa kumpanyang iyon ang kanyang kita, kinailangan nya na namang maghanap ng bagong trabaho't mamasukan sa ibang kumpanya at napasok nga siya sa Fressell and Company bilang ahente.
Naging unang asawa niya ng isang Monica, ngunit di nagtagal ang kanilang pagsasama sapagkat si Monica'y namatay nang gahil sa sakit na leprosy. Noong taong 1892, nakilala nga niya ang kaniyang ikalawang asawang si Gregoria de Jesus ng Kalookan. Pagkatapos ng kanilang kasal sa simbahan ng Binondo ay kinasal muli alinsunod sa kasulatan ng Katipunan. At pagkatapos nga ng kanilang kasal, binigyan siya ng bansag na Lakambini at siya ang namuno ng Katipunan ng mga Kababaihan.
Ngunit kahit na si G. Bonifacio ang siyang nagtatag ng Katipunan, hindi niya ninais na panghawakan at pamunuan ng ganun ganun na lamang ang organisasyong ito. Ang unang naging Supremo ng organisayon ay si Deodato Arellano. Ngunit hindi nagustuhan ni Bonifacio ang pamumuno ni Arellano kung kaya't tinanggal niya ito sa posisyon at inilagay naman niya sa pwesto si Roman Basa. Sa kasamaang palad, noong taong 1895, napagtanto nga niya na parehas lamang sina Basa't Arellano kung kaya't si siya na mismo ang namuno ng Katipunang kaniyang itinatag.
Ang Katipunang ito'y naging bunga ng pagkakakulong ni Rizal sa Dapitan at pagkabuwag ng La Liga Filipina.
Ngunit sa kabilang banda, hindi makatarungan ang kaniyang pagkamatay. kinasuhan siya ng pagtataksil sa Katipunan na kung saan siya ang nagtatag at dugo't pawis ang kaniyang inilaan upang makamit ang kalayaang kaniyang ninais di lamang para sa kanyang sarili at sa kaniyang pamilya pati na rin sa kaniyang minamahal na mga kababayan at Inang Bayan.
Paano niya magagawang pagtaksilan ang bayan na minahal niya ng lubos at hindi man lamang siya nag- alinlangan na ibuhos ang kaniyang buong oras, lakas at kaalaman para sa bayan. Hindi makatarungan, hindi patas at hindi tama ang kaniyang pagkamatay. At isang traydor pa ang humalili sa kaniyang pwesto bilang Supremo, si Aguinaldo, ang tinuturing na kauna- unahang Presidente ng ating bansa. Kung isang taksil ang ating presidente, malamang nga ay isang malaking patunay na ang mga sumunod na mga presidente ay may ginawa ring pagtataksil sa ating bansa.
Hindi man lamang naipagpatuloy ang mga mithiin ni Bonifacio, ang mga magagandang pangarap ng isang magiting na mandirigma na layon lamang ang kalayaan na dapat sana'y kanila man lamang natikman. Ngunit isang malaking pasalamat pa rin kay Bonifacio sapagkat kung hindi man sa kaniyang kadakilaan, hindi natin malalaman kung sino ba talaga ang mayroon malasakit sa ating bansa na tulad ng kay Gat Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at iba pang mga naglayon ng reporma. At dapat nga siguro’y may pantay na pagtingin kay Rizal at Bonifacio. At kung ating susuriin, mas nakalalamang pa nga si Ginoong Bonifacio sapagkat hindi nagging hadlang ang kahirapan at hindi pagkakaroon ng isang mataas na pinag- aralan upang maipaglaban ang alam niyang tama. Hindi man sila parehas ng pamamaraan na ginamit, parehas nilang mahal ang kanilang Inang Bayan at naging handa sila sa kung ano man ang magiging kapalit nito kahit pa ang kanilang buhay.
Di man nagtagumpay ang mga dakila nating mga bayani, nagkaroon pa rin sila ng napakalaking kontribusyon para sa ating lahi. At hanggang ngayon nga’y nasa gitna pa rin tayo ng isang giyera. Giyera na hindi man lamang tayo manalo nalo sapagkat hindi isa ang ating puso’t damdamin para magkaisa’t itayong muli ang ating bayan na nalugmok sa isang malaking kanal na hinukay ng mga dayuhan at naunang mga namuno’t namalakad sa ating bansa.
Kung kami man ay magtatayo ng isang organisasyon tulad ng La Liga Filipina at Katipunan, siyempre ang aming unang magiging layon ay ang pagbabago n gating gobyerno at ng mga namumuno. Dapat nilang alamin ang mga pangangailangan n gating bansa at tulad ng mga sinaunang mga bayani ay isantabi muna nila nag kanilang mga pansariling interes at unahin nila nang kanilang bayan na dapat na minamahal at hindi pinagtataksilan at ginugulangan.
Ikalawang magiging layon n gaming grupo ay ang pantay na karapatang pantao. Ang ating bansa ay parang para sa mga maykaya lamang. Tulad na lamang sa hustisya, kung wala kang pera, wala rin sayo ang hustisya. Paano ba tayo uunlad kung hindi mapatupad- tupad ang mga batas na nakasaad sa ating Konstitusyon? Ang mga husgadong mga natatapalan ng pera ay dapat matanggalan ng lisensya sapagkat isang malaking pagkaksala laban sa batas ang hindi pagpataw ng kaukulang parusa sa mga nagkasala, mayaman man o mahirap. Para saan pa nga ba ang Konstitusyon kung hindi naman pala ito masusunod?
Ikatlo ay ang pagkakaisa ng ating bansa. Hindi naman kaila sa ating lahat na ating bansa ay hindi na nabubuklod bilang isa. Tingnan na lamang nating ang mga OFW. Kailangan pa nilang limabas ng bansa para magtrabaho sa ibang nasyon at makalikom ng pera. Kung mas marami ang lalabas ng bansa, mas babagsak an gating ekonomiya. Dapat marahil na an gating ekonomiya ang siyang tinututukan ng mga nasa posisyon, hindi ang pagpaparami ng pera sa kanilng mga bulsa.
Sa tatlong layuning ito magiging ugat ang mas malalalim pang mga layunin na kung sana’y mas maraming tao lamang ang nagmamahal sa ating bayan ay di malayong maging makatotohanan.




References:
Agoncillo. History of the Filipino People.
Zaide, Sonia et. al. The Philippines: a Unique Nation

1 (mga) puna:

Rhemia Lee Pabelico said...

Higit ko na kinakailangan ang inyong opinyon at pananaw. Ang inyong pagkakaunawa sa nilalaman ng aing Kasaysayan. Mga kabataang rebolusyunaryo sa makabagong panahon... ano ang inyong magagawa?

Ang marka ninyo para sa blog entry na ito ay 1.5 o 18/20